Betamax - Sandwich's Latest music video

View previous topic View next topic Go down

Betamax - Sandwich's Latest music video

Post by hezrock on Fri May 09, 2008 12:51 pm

Nung lumabas ang latest album ng Sandwich ( Marks the Spot) hindi naging instant hit sa pandinig ko yung carrier single nila na Procrastinator kaya pinakinggan ko yung ibang songs nila sa bagong album hanggat sa marinig ko ang Betamax na naging instant favorite ko. Nung mapakinggan ko ang Betamax naisip ko mukhang madali yung chord pattern na ginamit kaya kinuha k kaagad gitara ko at kinapa ko yung chords.

Yung song na ito ay tungkol sa nakaraan, naalala ko nga ang kabataan ko, wala noong hi-tech gadgets isa na talaga siguro sa pinaka hi-tech noon ay ang betamax. Una kong movie na napanood sa betamax ay yung Bruce Lee vs. Chuck Norris, mga 2 years old pa lang ako noon kaya 'di ko na maalala yung title. Laughing

Anyway, back to Sandwich's Betamax, itong kanta din na ito ay tungkol sa history ng pinoy rock, mga artists/banda, mga kanta nila na nagtatag ng rock music sa Pilipinas, mga rock legends talaga sila at naging sobrang influential sila at tinaguyod nila ang rock scene sa Pilipinas. Ngayon, ang daming bagong banda na magpapatuloy sa daloy ng alon. Mabuhay ang mga bandang Pinoy! Smile

Favorite line ko sa song na ito ay yung "sa Jingle magazine natutong mag gitara sinifra ang mga kanta sa cassettte at plaka". Naalala ko ulit kabataan ko, peak ng kasikatan ng mga banda noong grade 5 ako kaya gusto ko matuto ng gitara kaso wala naman marunong sa family namin at ayaw ko naman magenroll pa sa guitar school, so makatwid wala magtuturo ng gitara sa akin kaya pumunta ako sa isang bookstore at bumili ng Jingle magazine. Jingle magazine ang binili ko kasi may libreng chord chart ng guitar and organ yun. P40 to P50 pa nga yung price at yung mga nasa cover pa sila Bon Jovi, Sting at meron din medyo modern si Kurt Cobain. Laughing So, salamat talaga sa Jingle magazine at natuto ako tumugtog ng gitara.

ABOUT THE VIDEO:
Kung yung Procrastinator pinakaita ang iba't-ibang rock pose, dito naman sa Betamax pinakita ang iba't-ibang larong kalye ng Pinoy (patintero, teks, trumpo, sipa, piko, atbp).

THE LYRICS:
Wala pa nung myx wala pa nung MTV
Wala pa nung internet
Wala pa nung ipod at mp3
Wala pa nung cable
Wala pa nung cellphone
Wala pa ring cd or dvd
Meron lang betamax

Sa Jingle magazine
Natutong mag gitara
Sinifra ang mga kanta
Sa cassettte at plaka

Mula sa himig ni Pepe Smith
Mag blues si Wally Gonzales
Lumaki sa layaw ni Mike Hanopol
Bumalik ang kwago ni Bosyo
Kamusta mula sa Maria Cafra
Umistambay si Heber
Sa bahay ni Gary Granada
Nagbago ang lumad ni Joey Ayala

Nagreklamo si Chikoy Pura
Sa balita ng Asin
Ang anak ni ka Freddie
Kinontra ni Edu Abraham
Dumibidoo ang Apo Hiking
Mga kababayan ni Francis M
Beh buti nga sa Hotdog
Nosibalasi Sampaguita

Wala pa nung MYX wala pa nung MTV
Wala pa nung internet
Wala pa nung ipod at mp3
Wala pa nung cable
Wala pa nung cellphone
Wala pa ring cd or dvd
Meron lang betamax

Sa Jingle magazine
Natutong mag gitara
Sinifra ang mga kanta
Sa cassettte at plaka

Ipagpatuloy ang daloy ng alon
Ipagpatuloy ang daloy ng alon
Ipagpatuloy ang daloy ng alon
Ipagpatuloy

Padayon

Baby baby Rico J
Musikahan ni Ryan Ryan
Umiskul bukol kay Tito Vic and Joey
Sumayaw sa VST
Humataw kay Gary V
Bumilad sa ballad ni Martin Nievera
Request sa dj ni Sharon Cuneta
Nangako sayo si Rey Valera
Salamat sa the Dawn
Ang tatay ko, si Jack Sikat
Disyembre ni Binky Lampano
Nangarap ang Identity crisis
Wag kalimutan ang Wuds
Namatay sa ingay ng Dead Ends
Never meant to be Betrayed
Sa XB, NU at Club Dredd

Wala pa nung MYX wala pa nung MTV
Wala pa nung internet
Wala pa nung ipod at mp3
Wala pa nung cable
Wala pa nung cellphone
Wala pa ring cd or dvd
Meron lang betamax

Sa jingle magazine
Natutong mag gitara
Sinifra ang mga kanta
Sa cassettte at plaka

Ipagpatuloy ang daloy ng alon
Ipagpatuloy ang daloy ng alon
Ipagpatuloy ang daloy ng alon
Ipagpatuloy

Padayon


THE MUSIC VIDEO:



credits: Youtube, elementN27 Thanks!

I Hope you loved the video and the song. To vote pls text: myx betamax and send to 2366
OPM!
avatar
hezrock
Active SLCNWeber
Active SLCNWeber

Male
Number of posts : 218
Age : 35
Location : Philippines
Batch : Invictus 2006
Section : 3
Schools/Colleges : O.B. Montessori (Greenhills), Philippine School (Oman), UST, TUA
Registration date : 2008-02-03

View user profile

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum